Wednesday 29 October 2014

BDO Credit Card Application


Medyo nakaka turn off na itong si BDO ha!!!! So many times na nag try ako mag apply sa kanila ng credit card pero kahit isa walang in-approved. Kung tutuusin eh existing card holder naman na ako nung nag apply ako sa kanila. Pero sa ibang bank nga lang.... Pero kahit na!!!! Grabe pa rin sila!!!! Hindi ko maintindihan bakit hindi nila ina-approved yung application ko... Lahat naman ng requirements sinubmit ko na, pero wala pa rin.

Sa totoo lang, i have 5 credit cards na nga diba? Pero, parang gusto ko pa rin magkaroon. Eh kasi nga, gusto ko lang naman mag collect ng magagandang designs ng credit card. Hindi ko naman sina-swipe noh!!! LOL!! Hay wish ko lang, after six months mag apply ako ulit, at sana by that time i-approved na nila ako.

Three times na ako nag send ng application dito sa BDO. Una yung BDO Shopmore White Credit Card, pangalawa yung BDO Standard Black Visa Credit Card at yung pinaka latest eh yung BDO Classic Visa Credit Card. Pero ni isa dyan walang na-approved. Napagod lang ako kaka-follow up. Sa dulo naman declined din.

Anyway, try and try ulit until i got what i want. Subukan ko nalang muna ang service nung 5 credit cards ko. Then pag meron akong hindi magustuhan ipapa-cancel ko nalang, at mag apply ako ulit dito sa BDO. 

No comments:

Post a Comment