Nung una pinipigilan ko pa ang sarili ko na mag apply ng credit card dito sa BPI. Kasi marami akong naririnig na kapag may delinquent account ka na sa kanila eh talagang yung case mo eh nilalatag talaga in legal way. Nandyan yung makaka-experience ka talaga ng mga hearing sa court regarding sa credit card debt mo as delinquent card holder. Pero sabi ko nga, ang sarap kasi sa pakiramdam yung ma-approved ka sa credit card application mo, Edi hindi ko na din pinalagpas yung pagkakataon na mag apply ng BPI Blue Mastercard Credit Card dito sa BPI. Bukod kasi sa malaking bangko na ito dito sa bansa natin, eh subok na din na maganda ang service nito. At syempre maganda din yung mga designs ng credit card nila.
So ayun nga, nag apply ako... more than 3 weeks din ang tinakbo ng application ko dito. But sad to say.... nung nag follow up ako ng status ng application ko. It was DISAPPROVED.
Hindi ko rin naman matanong kung anong basis nila bakit disapproved yung application ko, since lahat naman ng bangko never nag disclose ng reason kung bakit na disapproved yung application. Nevertheless, atleast nag-try ako... Try nalang next time. I realized it seems hindi kalooban Ni Lord na magkaroon ako ng account sa BPI.
Ok na din atleast naranasan ko na ang pakiramdam na ma-approved. :-)
No comments:
Post a Comment