Monday 27 October 2014

Metrobank Credit Card


Just want to share lang yung experience ko in applying for a Metrobank Femme Credit Card. As I've share nga dun sa previous post ko na I have my first credit card from Citibank na ako yung principal card holder. My friend advice me na dapat daw I have atleast 2 credit cards para pag my problem ang isa, my back up pa. Nakakahiya kasi kapag mag shopping ka, or mag grocerie ka using credit card tapos pag nasa cashier kana declined yung payment transaction. Syempre ang ending mo eh umuwi ng walang dala. Lalo na kung ilang oras kang umikot sa store tapos declined lang yung payment mo at wala kang cash or extra credit card para bayaran yung pinamili mo. Kaya last May 2014 when I transfer to my new employer nagkaron na ako ng payslip, at iba pang mga proof of identification na regular na sina-submit sa mga ganitong application. So eto na nga nag try ako mag apply ng Metrobank Femme Visa Credit Card last July 26, 2014. Syempre ang normal processing time ng card application ay 21 days or 3 weeks. After 2 weeks since na send ko yung application ko, provided all the needed documents that will serve as requirements, I tried to make a follow up call sa toll free hotline ng Metrobank Card. Surprisingly 2 weeks pa lang may result na yung application ko. Guess what? DENIED!!!! 

Grabe talaga yung lungkot ko.... Ang sakit sa dibdib yung marinig mo na denied yung application mo. 2 weeks ka naghintay. Pero syempre nag move on na ako... Pero nagpray pa rin ako ng nag pray. Then by August 21, 2014 I receive a call from a call center agent ng Metrobank Card verifying my information para daw sa credit card application ko. Ang weird noh? Denied na nga eh, tapos nag tatanong pa ng information ko. Pero syempre sinagot ko naman lahat ng tanong nya about sa akin. Then bago mag end yung call, I ask the agent kung para saan itong call na ito? Eh denied na nga yung result nung card application ko! (Medyo Pataray pa ako) hehehe.... Anyway, sinagot naman nya ako ng maayos at ang sabi nya na RE-CONSIDER daw kasi yung application ko. So medyo hindi ako na-excite since tinanggap ko na, na for sure declined na naman yun. 

Then after a week, before ako mag out sa office, I think that was August 27. Wed yun eh... (tandang tanda ko diba?) hahaha... Tumawag ako sa Toll Free hotline ng Metrobank Card to inquire the status of my application. At sobrang nagulat ako!!! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko!!! Hahahaha.... Ang sabi ng agent na kausap ko, "Mam, APPROVED na po yung card nyo!!!! Nanlaki yung mata ko talaga!! Ang sarap pala ng pakiramdam na makarinig ka ng APPROVED. Hahahahaha... at syempre after 5 banking days i got my Metrobank Femme Visa Credit Card. Sobrang thankful talaga ako sa Panginoon na binigay nya sa akin ito. Looking forward sa magandang service at more freebies ng Metrobank Card sa akin.


2 comments:

  1. Ganyan din nangyari sa akin now... Denied... Sana lang magiging kagaya sa nangyari sa iyo na later on maa approve din pala...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi @redoctober Baka meron ka pang additional requirements na dapat i-submit para ma-approved ang card application mo. This post has beed made last 2014 and now tinaasan na ni metrobank ang CL mo. Just keep on applying. Maganda ang features and perks ng Metrobank Card. :-)

      Delete