Monday 27 October 2014

RCBC Bankard Credit Card


Sabi nga sa kasabihan... Try and Try until you succeed. Addict na nga yata ako sa Credit Card. Hindi naman sa pag swipe at pag shopping noh!! Kundi sa pag collect. Yes!!! Ito na nga ang bago kong collection ngayon. Ang mag ipon sa wallet ng ibat ibang designs ng credit card. Hay!!! Wish ko lang wag ako ma-stressed sa pagbabayad ng annual fees. Anyway, it's just a pure collection lang naman. Of all naman ng credit cards ko, isa lang naman ang ginagamit ko. yung iba props lang sa wallet ko. Uy, pero buhay yun ha! I mean, lahat ng credit cards ko active yun. Pero it's my choice na kahit dumami pa ng dumami ang credit card ko, isa lang parin ang gagamitin ko. :-)

So ayun na nga, after ma denied yung application ko sa BPI. Ito naman ang pinagtuunan ko ng pansin. hahaha... Ang RCBC Bankard Classic Visa Credit Card. Noon, hindi ko pinapansin itong bangko na ito. Eh kasi naman, hindi ko talaga sya masyadong kilala... I mean hindi sya ganon ka bigtime sa paningin ko. Pero as I've visit their website.... Aba!! Ok din naman pala itong card issuer na ito at nagulat ako ha... Ang dami pala nilang credit card na offers. Matagal na rin pala itong RCBC when it comes to credit card. 

So syempre, nag apply din ako nito... Mabilis ang processing nila... hindi naman ganoon katagal. Siguro masipag lang din ako mag follow up ng status ng application ko. Kung titingnan siguro yung record nila, eh mukang everyday yata ako tumatawag. Sobrang excited kasi talaga ako kapag credit card ang topic. Basta all about credit card, nako... maaasahan mo ako dyan. Na starstruck lang siguro ako sa mga designs ng credit card at proud akong tingnan kapag nasa wallet ko. 

Edi ayun na nga apply at follow up ng follow up ang ginawa ko. Then finally, October 1, wedding anniversary namin ng husband ko bago ako mag out sa office nag follow up ulit ako. Surprisingly, na APPROVED na naman yung RCBC Bankard Classic Visa credit card application ko. Hay!! Ang sarap talaga ng pakiramdam... pinagpray ko kasi talaga ito. Kaya sobrang grateful talaga ako sa Lord. Sobrang dami ko ng answered prayer. October 6, na received ko na yung card ko. Oh diba!!! Ang bilis nila... :-) Thank you Lord in-approved mo po ulit yung credit card application ko. I have now 3 credit cards. 

No comments:

Post a Comment